NEW YORK (AP) — Sapilitang pinalabas ng Madison Square Garden at ipinadakip si dating Knicks star Charles Oakley bunsod nang walang habas na paninigaw kay team owner James Dolan.

Nakipagmatigasan at nakipagtulakan si Oakley sa mga security guard bago napatalsik sa kanyang kinauupuan sa kaagahan ng laro sa pagitan ng Knicks at Los Angeles Clippers nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Naghihiyawan ng “Oakley! Oakley!” ang mga tagahanga bilang tanda ng suporta sa 53-anyos na naging bahagi ng Knicks mula 1988-98. Kabilang siya sa koponan na umusad sa NBA Finals noong 1995.

“Charles Oakley came to the game tonight and behaved in a highly inappropriate and completely abusive manner,” pahayag ng Knicks sa opisyal na pahayag sa Twitter.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“He has been ejected and is currently being arrested by the New York City Police Department. He was a great Knick and we hope he gets some help soon.”

Ayon sa NYPD, inaresto si Oakley sa kasong ‘three counts of assault’.

Kilalang kritiko si Oakley ni Dolan.

Ikinalungkot naman ni Clippers coach Doc Rivers ang kaganapan.

“That was tough for me to watch,” pahayag ni Rivers, naging kasangga ni Oakley sa New York sa dekada 90.

“Honest to God, if you could see, I took three steps. I swear I was going to run down there and then I thought, ‘What the hell am I going to do?’ But I didn’t like that. That’s my guy. So that was tough to watch from where I was standing.”

Umaksiyon ang security personnel nang bulyawan umano at bastusin ni Oakley si Dolan na nakaupo sa malapit sa bench ilang akwat lamang ang layo sa kinalalagyan nito.

“He’s the best teammate in the world. He really is,” sambit ni Rivers. “Honestly, the players could see, that was a tough thing to watch. I’ve been in the league a long time and I’ve never seen a thing like that.”