Nasamsam ng pulisya ang baril at dalawang motorsiklo na hinihinalang ninakaw ng dalawang hindi kilalang lalaki na tumakas makaraang makipagbarilan sa Barangay Baretbet, bayan ng Bagabag,Nueva Vizcaya noong Martes.

Ayon kay Senior Insp. Mariano Marayag, hepe ng Bagabag Municipal Police Station (BMPS), nabawi mula sa mga suspek ang isang calibre .38 baril, airgun at dalawang motorsiklo na isa ang napaulat na nawawala.

Sinabi ng pulisya na umabot sa tatlong minuto ang naging palitan ng putok laban sa dalawang suspek na tumakas.

Nakatanggap ng sumbong ang pulisya mula kay Barangay Chairman Norberto Santiago na may dalawang kahina-hinalang lalaki ang nangungupahan sa kanilang lugar.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Minanmanan ng mga pulis ng ilang oras ang bahay kung saan nanunuluyan ang mga suspek bago sumalakay. (Fer Taboy)