Hindi tatanggalin ni Pangulong Duterte ang tatlong makakaliwang miyembro ng Gabinete kahit na tinapos na niya ang negosasyon ng pamahalaan sa mga grupong komunista.

Nanatiling “civil” ang pakikitungo ng Presidente kina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, at National Anti-Poverty Commission (NAPC) Commissioner Liza Maza nang magpulong ang Gabinete noong Martes, ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar.

“Si Presidente napaka-civil sa mga taong nasa kaliwa,” saad ni Andanar sa isang radio interview.

“The fact that you still see the leftist Cabinet members attend the Cabinet meeting (last Tuesday) malaking simbolo ho iyan na at the end of the day, sabi ni Presidente, it’s all about the welfare of the Filipinos,” dagdag niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sabi naman ni Presidential spokesman Ernesto Abella, patuloy ang pagtitiwala ni Duterte sa tatlong Cabinet secretaries.

“The President chose them as his alter egos because he believes in their capacity to serve and deliver sustainable basic social services to the Filipino people. They all enjoy the President’s trust and confidence,” sabi ni Abella.

Dagdag niya: “The Duterte administration remains fully committed to the task of uniting our people and working with all sectors to achieve peace and inclusive development during its term.”

Nanawagan sina Mariano, Taguiwalo at Maza sa Pangulo na ibalik ang peace talks dahil malaki ang nakataya dito.

“Let us give just and lasting peace a chance. Continue the GRP-NDF peace talks and pursue socio-economic and political reforms for the people,” saad ng tatlo sa isang pahayag na kanilang inisyu. (GENALYN D. KABILING)