TARLAC CITY — Nalambat sa buy bust ang tatlong suspected pusher na kumikilos sa lungsod na ito Martes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Carlito Vicente De Leon, 40, may-asawa; Sally De Guzman, 32, ng Barangay San Rafael; at Lieza Co, 32, ng Barangay San Sebastian, Tarlac City.
Narekober mula kay Co ang isang plastic sachet na naglalaman ng 0.109 gramo ng suspected shabu kapalit ng tatlong P100 bills.
Nakuha rin kina De Leon at De Guzman ang dalawang sachets na naglalaman bawat isa ng 0.007 at 0.035 gramo, aluminum foil, improvised lighter at iba pang gamit.