CAMP DIEGO SILANG, La Union – Ang mga bangkay ng tatlong babae pinaghihinalaang biktima ng salvage ay natagpuan sa tabi ng Kennon Road sa Barangay Bangar, Rosario, La Union, kahapon ng umaga.
Ayon kay Chief Inspector Bernabe Oribello, Rosario police chief, nakabalot ng packaging tape ang mukha ng dalawang bangkay.
Natagpuan ang mga bangkay ni Zald Mendigoria, isang driver sa Rosario.
Hindi pa nakikilala ang dalawang biktima, and hindi pa rin alam kung ano ang kanilang ikinamatay.
Ngunit sinabi ni Oribello na maaaring pinatay ang dalawa sa ibang lugar at iniwan ang kanilang bangkay sa Kennon.
Sapantaha ni Oribello, may kinalaman ang ilegal na droga sa pagpatay sa dalawang babae.
Hindi naglabas ang Rosario police ng iba pang detalye tungkol sa mga biktima. (Erwin Beleo)