Halos 2,000 punong kahoy na ilegal, na pinutol ang nasabat ng Department of Environment Natural Resources (DENR) sa limang araw na operasyon sa Agusan Del Sur.

Mula Pebrero 2 hanggang 6, isinagawa ng Environmental Anti-Crime Task Force ang operasyon sa Sitio Mantuyom at Sitio Sote sa Makarlika, Bislig City; gayundin sa bayan ng Talacogon, at Trento sa Agusan Del Sur; at sa Trento.

Dito na nagresulta sa pagkakasabat sa mga putul-putol na kahoy na kinabibilangan ng mga Dipterocarps, Lanipao, Mahogany at Malapajo.

Ang operasyon ayon kay DENR Secretary Gina Lopez ay layong tuldukan ang lumalalang illegal logging sa kani-kanilang nasasakupan. (Beth Camia)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito