SAN JOSE, Tarlac - Malaki ang hinala ng pulisya na dahil ang sobrang kalasingan ang nagbunsod sa isang 40-anyos na lalaki upang sunugin ang sarili niyang bahay sa Barangay Mababanaba, San Jose, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay PO2 Wilfredo Lanuza, Jr., nahaharap ngayon sa arson si Fidel Acosta, 49, may asawa, ng nasabing barangay.

Wala namang iniulat na nasaktan sa sunog, na sinasabing bumulabog sa ilang kapitbahay ni Acosta. (Leandro Alborote)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan