KALIBO, Aklan - Nakuhanan ng CCTV camera ang aktuwal na paggilit ng dalawang menor de edad na suspek sa isang estudyante sa loob ng internet shop sa Kalibo, Aklan.
Sa kuha ng CCTV, makikitang nag-uusap ang dalawang suspek at inginunguso ang biktima hanggang sa lapitan ng mga ito at gilitan.
Kaagad na lumabas sa establisimyento ang mga suspek ngunit nang makasalubong si Earl Gabriel Perucho, third year architecture student sa Aklan State University, ay pinagsasaksak ito gamit ang patalim na ginamit sa unang biktima bago nagsitakas.
Nasawi si Perucho, habang ginagamot pa sa ospital ang unang biktima.
Dahil sa CCTV footage, nakilala at naaresto na ang mga suspek. (Jun N. Aguirre)