MARUNONG naman palang magseryoso si Ogie Diaz kapag iniinterbyu pero humihirit pa ring magpatawa paminsan-minsan.
Sa third anniversary party ng Home Sweetie Home, tinanong siya ni Katotong Maricris Nicasio kung comedy lang talaga ang gusto nitong role o baka naman may iba pa.
“Bakit, nadadramahan ba kayo sa akin?” seryosong sagot ni kaibigang Ogie. “Comedy naman talaga ang forte ko saka ‘yung mga teleserye, sidekick ako parati ng mga kontrabidang babae.”
Nagsimulang umarte si Ogie noong 1992 nang bigyan siya ng break nina Direk Joey Reyes at Douglas Quijano (SLN) sa Palibhasa Lalake at Abangan Ang Susunod na Kabanata.
Pero bago napansin na puwede siyang maging on-cam talent, nagsulat muna siya sa Mariposa Publications na pag-aari ni Nanay Cristy Fermin.
Sa loob ng 25 years sa showbiz, napanood na si Ogie sa maraming serye at pelikula at ngayon ay kilalang talent manager ni Liza Soberano. Naging manager din siya ni Vice Ganda noong mga unang taon nito sa ABS-CBN.
Bilang komedyante, hindi ba nagsasawa si Ogie sa paulit-ulit na papel na ginagampanan niya o may dream role pa ba siya?
“Naku, wala na. Wala akong dream role, gusto ko lang kumita, lalung-lalo na kung may pamilya ka at dalawang pamilya ang binubuhay mo,” sagot niya sa amin.
Bakit dalawa?
“’Yung nanay ko, kapatid ko saka pamilya ko,” kaswal na sagot ni Ogie.
Nangangarap din ba siya ng acting award?
“Hindi ako, ano... parang hindi naman ako (pang-award).”
Naging sidekick na siya ng halos lahat ng malalaking artista, sino pa ang gusto niyang makatrabaho?
“Gusto ko sa teleserye sina Piolo (Pascual) at Enchong (Dee). Hindi ko pa sila nakakasama, marami pa, pero sila talaga ‘yung gusto ko,” seryosong sagot ng comedian/talent manager. “Pero sa movie, nakatrabaho ko na si Enchong, kasi makinis siya.”
Ano ang kinalaman ng pagiging makinis ni Enchong kaya gustong makatrabaho ni Ogie?
“Kasi kapag naghuhubad siya sa harap ko, wala talaga siyang blemishes, ‘tong si Reggee, patol din, eh.”
Seryoso si Ogie, at humirit uli.
“Kasi kapag kausap ko si Enchong, hindi niya ako itinuturing na reporter, lahat ibinubuhos niya. Si Piolo, hindi ko pa nakakatrabaho kaya gusto ko para maging close pa kami kasi ninong siya ng anak ko.“
Gusto rin niyang makatrabaho si Zanjoe Marudo.
“Gusto ko naman puro actors ang sa-sidekick-an ko kasi, di ba, puro (aktres), sina Tita Helen Gamboa (Walang Hanggan, 2012), Coney Reyes (Nathaniel, 2015), Ayen Munyi-Laurel (Born For You, 2016), Gloria Diaz, Vina Morales at iba pa.
At inulit na, “Gusto ko lang kumita kaya hindi na ako naghahangad pa ng kakaibang papel. Di ba mas masarap kumita lalo na kung may pangarap ka, ‘yun ang pangarap ko -- ‘yung pangarap ng pamilya ko maibigay ko.
“’Yung future nila (secured naman na). Ako kasi futuristic, ‘pag huminto ako, kailangan ‘yung pera ko, sapat na,” aniya.
May mga naipundar nang bahay si Ogie na ang iba ay gusto na niyang ibenta.
Puro babae ang anak ni Ogie at buntis uli ang asawa niya sa kanilang panlima, kaya tinanong namin kung kaya ba hindi sila humihintong gumawa ay dahil naghahabol sila ng lalaki?
“’Wag kang magbibintang, hindi ako nanlalalaki,” seryosong sagot niya. “Ewan ko nga ba, sabi kasi nila kapag puro babae ang anak mo, maliit daw ang t_ti ko,” nakakalokang sabi sa amin.
Hirit ni Katotong Maricris, “Eh, dapat ibahin mo ang posisyon.”
“Eh, ‘pag nag-69 kami hindi naman aabot,” birong sabi.
Ngayong nakatatlong taon na ang Home Sweetie Home, sa pananaw ba ni Ogie ay aabutan nito 11 years ng Palibhasa Lalake na pinagmulan niya?
“Hindi ko alam, iba naman ‘yun,“ saad niya.
Hindi sidekick ang papel ni Ogie sa HSH kundi boss ni Romeo (John Lloyd Cruz) sa opisina na laging masungit.
Napapanood sila tuwing Sabado ng gabi sa Dos, mula sa direksyon ni Edgar ‘Bobot’ Mortiz. (REGGEE BONOAN)