BATAC CITY, Ilocos Norte - Pinagbabaril ang manager ng kantina sa ospital sa Barangay San Julian sa Batac City, Ilocos Norte, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay SPO2 Christopher Pajinag, posibleng away sa katrabaho ang dahilan ng pamamaril kay Erwin Dumlao, 51, manager ng Mariano Marcos Memorial Hospital Cooperative Canteen, at taga-Bgy. 11, Laoag City.

Dakong 5:30 ng hapon nang pagbabarilin si Dumlao, habang sakay sa kanyang Honda Civic (URZ-855), sa mismong compound ng ospital. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan