CABANATUAN CITY - Naghahanap ngayon ng karagdagang tauhan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Region 3.

Ayon kay BJMP-Region 3 Director Jail Chief Supt. Romeo Ogoy, ang mga aplikante ay dapat na Filipino Citizen na edad 21-30, nagtapos ng bachelor’s degree, may good moral character, at nakapasa sa drug test at neuro-psychiatric at medical exams.

Dapat din na ang aplikante ay may taas na 1.62 metro para sa lalaki at 1.57 metro sa babae, na may timbang na hindi hihigit o bababa ng limang kilo sa standard na timbang para sa kanilang taas, edad, at kasarian.

Sinabi ni Ogoy na igagawad ang waiver for age at height requirements sa mga aplikanteng katutubo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga aplikante ay hindi rin dapat na dishonorably discharged sa kanilang pinagtrabahuhan at hindi nahatulan sa anumang kaso.

Ayon pa kay Ogoy, ang mga aplikante at kuwalipikado ay inaabisuhang bisitahin ang admin office ng BJMP-Region 3 sa Regional Government Center sa Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga.

Tumawag sa (045)-455-3901 o 0927-3120978 para sa mga karagdagang impormasyon. (Light A. Nolasco)