CABANATUAN CITY – Nalimas ang mahahalagang gamit ng isang 52-anyos na dating bise alkalde makaraan siyang pasukin at pagnakawan ng mga hindi pa kilalang suspek habang naka-check-in.

Sa isang hotel sa Barangay Sta. Arcadia sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ng Cabanatuan City Police ang biktimang si Marites Gaboy y Pangilinan, dating vice mayor ng Talavera, na nag-check-in sa nasabing hotel kasama ang kanyang pamilya.

Batay sa imbestigasyon, dakong 4:30 ng umaga at mahimbing na natutulog ang pamilya ng biktima sa Microtel Suites nang pasukin sila ng mga magnanakaw at tinangay ang kanilang bag na naglalaman ng electronic gadgets, mga alahas, pera at iba pang personal na mga gamit. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan