PATULOY na nanguna sa buong bansa ang ABS-CBN sa unang buwan ng 2017. Mas maraming manonood sa urban at rural homes ang sumuporta sa mga programa nito na nagbibigay inspirasyon at nagpapalaganap ng aral at pagmamahal.
Nagtala ang Kapamilya Network ng average audience share na 44%, lamang ng walong puntos kumpara sa 36% ng GMA, base sa viewership survey data ng Kantar media.
Nakuha ng ABS-CBN ang 15 sa top 20 most watched programs sa bansa. Patuloy na nangunguna ang FPJ’s Ang Probinsyano, na may average national TV rating na 37.2%. Sa loob ng mahigit isang taon, tinalakay ng serye ni Coco Martin ang ilan sa pinakamahahalagang isyu sa bansa at nagpakita ng mahahalagang aral tungkol sa pamilya, kaya mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa serye maging sa umpisa pa man nito noong 2015.
Pumangalawa ang Your Face Sounds Familiar Kids na may 35.2%. Patok din ang Wansapantaym sa naitala nitong 30.1%.
Nakakuha naman ng national TV rating na 30% ang MMK. Agad ding pumatok ang My Dear Heart sa naitalang 28.5%. Hindi rin nagpahuli ang katatapos na Magpahanggang Wakas na may 25%.
Kasama rin sa top 20 ang TV Patrol (28.8%), Magpahanggang Wakas (25%), Home Sweetie Home (24.9%), Goin’ Bulilit (23.1%), A Love to Last (22.7%), TV Patrol Weeken (18.6%), Ipaglaban Mo (17.7%), Minute to Win It Last Man Standing (17.7%), Doble Kara (17.4%), at It’s Showtime (16.8%).
Mas pinanood din ang live telecast ng 65th Miss Universe pageant sa ABS-CBN na nakakuha ng national TV rating na 27.4% at tinalo ang GMA na may 17%.
Namayagpag ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime (6PM-12MN) na nagtala ng 47%, 11 puntos ang lamang sa 36% ng GMA.
Nanguna din ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) na nakapagtala ng 40% kumpara sa 35% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) na nakakuha ng 44% kumpara sa GMA na may 36%, at afternoon block (3PM-6PM) na nakapagrehistro ng 45% kumpara sa 37% ng GMA.
Naghari rin maging sa digital space noong 2016 ang ABS-CBN Corporation nang magtala ang media website nitong www.abs-cbn.com ng tatlong billion page views at average na 40.3 million monthly viewers, dahilan upang hirangin ito bilang pinakamalaking local website sa bansa. Ito rin ang ikaapat na top website sa mundo kasunod lamang ang Facebook, YouTube, at Google, ayon sa web traffic data and analytics site na Alexa.
Samantala, ang ABS-CBN din ang naghari sa iba’t iba pang lugar sa bansa noong Enero. Sa Total Balance Luzon, nagtala ang Kapamilya network ng average national audience share na 46% kumpara sa GMA na may 39%; sa Total Luzon sa nairehistrong 40% kumpara sa GMA na may 38%; sa Total Visayas na may 51% kumpara sa 32% ng GMA; at Total Mindanao na may 52% laban sa 31% ng GMA.