Limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang isa pa ang naaresto sa pinaigting na opensiba ng Joint Task Force Sulu ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Capual, Sulu.

Ayon sa mga report, ang mga napatay na bandido ay pawang tauhan ng sub-leader na si Alhabsy Misaya, na nakabase sa Indanan, at may 40 mandirigma.

Sinabi ni Army Captain Jo-Ann D. Petinglay, tagapagsalita ng AFP-Western Mindanao Command, na nangyari ang engkuwentro bandang 8:00 ng umaga kahapon sa Sitio Talok Talok sa Capual, Sulu.

Dagdag ni Petinglay, nagsasagawa ng combat operations ang Philippine Marines nang makaengkuwentro ng mga ito ang grupo ni Misaya, at tumagal ng 20 minuto ang bakbakan.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Bukod sa pagkakapaslang sa limang terorista, naaresto rin ng militar ang isa pang bandido at nakumpiska mula rito ang apat na M-16 rifle at apat na M-14 rifle. (FRANCIS T. WAKEFIELD)