Hinikayat ni Father Oscar Lorenzo ang mga mananampalataya na suportahan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at manindigan laban sa pagbuhay sa death penalty at extrajudicial killings.
Ang panawagan ni Lorenzo ay kasunod ng paglabas ng CBCP ng pastoral statement hinggil sa socio-political issues sa bansa, gaya ng extra-judicial killings, death penalty at reproductive health law.
Ayon kay Lorenzo, hindi maaaring manahimik na lamang ang mamamayan sa mga hindi magandang nangyayari sa paligid.
“We cannot keep silent, but if we keep silent it does not mean that we are tolerating all kinds of non-sense happening around us,” aniya pa. (Mary Ann Santiago)