ATIMONAN, Quezon – Patay ang isang driver at kanyang pasahero makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang Toyota Revo sa dalawang pampasaherong bus sa Barangay Angeles sa Atimonan, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa police report, nasawi sina Salvador N. Enriquez, driver; at Eligio N. Enriquez, 60, kapwa taga-Bgy. Binambang, Gumaca makaraang mahagip ang sinasakyan nilang Revo (RUM-222) ng Philtranco Bus (ABG-8682) na minamaneho ni Allan D. Doringo, 46, residente ng Tandang Sora, Quezon City.

Humagis ang Revo sa kabilang lane at bumangga naman sa paparating na Higer Pintados truck bus (AAM-9837) na minamaneho ni Ramon R. Delos Santos, 41, ng Sta. Mesa Heights, Quezon City. (Danny J. Estacio)

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga