BUTUAN CITY – Isang piskal sa Surigao City ang kritikal ang lagay makaraang barilin kahapon ng umaga sa Canlanipa Homes, Purok 3 sa Don Julio, Barangay Canlanipa, Surigao City.

Sa report na tinanggap ni Police Regional Office (PRO)-13 Director Chief Supt. Rolando B. Felix mula sa Surigao City Police, dakong 7:20 ng umaga at paalis na ng bahay si Prosecutor Manuel Navarro Tesiorna, Jr., 47, nang bigla siyang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek na nakasuot ng bonnet, itim na jacket at sombrero.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

Nauna rito, pinagbabaril at napatay din ng riding-in-tandem ang retiradong hukom na si Victor Amalia canoy, 70, habang bumibili sa karinderya sa Surigao City nitong Pebrero 2. (Mike U. Crismundo)
Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan