Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 n.g. -- Alaska vs Ginebra
HINDI estranghero ang Barangay Ginebra sa sitwasyon na ‘do-or-die’.
Asahan ang mas mataas na level ng pakikihamok sa pakikipagtuos ng Ginebra Kings kontra Alaska Aces sa ‘sudden death’ ng kanilang quarterfinal playoff ng 2017 OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart-Araneta Coliseum.
Binura ng seventh seed Kings ang twice- to-beat advantage ng second seed Aces sa unang laro sa playoffs noong Linggo,85-81, para maipuwersa ang rubber match ganap na 7:00 ngayong gabi.
Ngunit, naniniwala si Cone na wala pa silang dapat ipagdiwang dahil balik sa wala ang duwwelo. Matira ang matibay.
Kinatigan ito ni Solomon Mercado, bumida sa Kings sa playoff series sa naiskor na 12 puntos, ang pananaw ni Cone at sinabing kailangan nilang doblehin ang sipag at katatagan para makausad sa semifinals.
Ganito rin ang paniniwala ni Aces coach Alex Compton na nagsabing patas na ang laban kung kaya’t kinakailangan nilang malimitahan ang kanilang errors at mag focus ng husto upang manalo. (Marivic Awitan)