oprah-420x0 copy copy

IPINAGDIWANG ni Oprah Winfrey ang kanyang kaarawan ngayong taon sa salu-salo kasama ang natatanging mga tao sa kanyang buhay, at ang kanyang kaibigan na si Gayle King, na naging abala sa pagkuha ng mga litrato.

Tumuntong sa edad na 63 ang Queen of Talk noong Enero 29, at nagkaroon ng maliit na dinner party kasama ang mga bisita kabilang sina King at Stedman Graham, na boyfriend ni Oprah.

“From better late than never file!” ibinahagi ni King. “Forgot to post @Oprah happy (birthday) dinner! Her request, pasta page 155 in the new cookbook.”

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Tinutukoy ni King ang cookbook ni Oprah na Food, Health and Happiness.

Ibinahagi rin ng anchor ng CBS Sunday Morning ng photo collage ni Winfrey habang tumatanggap ng mga regalo. Sa isang larawan, may hawak-hawak na Play-Doh si Oprah at tila nalilito.

“Fav daughter ‘gots’ jokes Play-Doh gift!” ani King. “Oprah never had it! That’s her thanx-a-lot face”

Nag-post din si King, 62, ng mga larawan ng birthday cake ni Oprah at truffle fries, na katumbas aniya ng “happiness!”

Tila mayroong cheat day para kina King at Winfrey, na magkasamang sumasailalim sa Weight Watchers sa loob ng halos isang taon. Ibinahagi ni Winfrey na nabawasan na siya ng 40 pounds simula nang pumasok sa program.

“I can honestly tell you I struggle no more,”. “I live well while losing weight. It is easier than it’s ever been.”