GINAPI ng defending champion De La Salle ang Far Eastern University, 29-27, 25-22, 25-23, sa duwelo ng pre-season favourite sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Matikas din ang simula ng University of the Philippines nang pabagsakin ang Adamson U, 25-18, 25-11, 25-18.

Nagtumpok ng pinagsamang 26 puntos sina Majoy Baron at Kim Dy para ipadama ng Lady Spikers ang kahandaan na mapanatili ang korona na pahirapan nilang nakuha sa Ateneo Lady Eagles sa nakalipas na season.

Nagtala rin si Baron ng tatlong block at tatlong service ace para sa kabuuang 15 puntos, habang kumana si Dy, last season’s Finals MVP, ng 11 puntos para sa De La Salle.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Kailangang may mag-step up. Wala namang sigurong iba kundi sila lang yun,” said Lady Spikers coach Ramil de Jesus.

Kumubra naman si De La Salle playmaker Kim Fajardo ng 35 excellent set at 10 dig, habang kumana si libero Dawn Macandili ng 11 dig.

Nanguna sa FEU si Bernadeth Pons na may 12 hit at walong dig.

Hataw naman si Ayel Estrañero sa UP sa naiskor na 23 excellent sets para sa apat na puntos.

“May mga miscues na kapag setter ka, makikita mo. More practice for her,” sambit ni Lady Maroons coach Jerry Yee.

Sa men’s division, ginapi ng FEU, sa pangunguna ni Greg Dolor na may 15 puntos, ang De La Salle, 25-16, 25-19, 26-24.

“Kailangan pa sa team yung consistency at maturity sa game,” sambit ni coach Rey Diaz.

Nagwagi naman ang UP sa Adamson, 24-26, 25-20, 31-33, 27-25, 15-10.