Ilipat ang kabisera para mapaluwag ang Metro Manila.
Ito ang layunin ng House Committee on Housing and Urban Development sa pagpatibay sa pagbuo ng technical working group (TWG) na magrerepaso sa panukalang lumikha ng Administrative Capital City Planning Commission na mag-aaral sa pagtatayo in-city mass housing projects para sa informal settler families (ISF) at paglilipat sa kabisera ng bansa at sentro ng gobyerno.
Sinabi ni Committee chairman Rep. Alfredo B. Benitez (3rd District, Negros Occidental), may-akda ng House Bill 83, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 11.9 milyong nakatira sa Metro Manila noon pang 2010, at isa ang lungsod sa may pinakamataong lugar sa mundo.
“There is a need to rethink and develop a master plan that will decongest Metro Manila,” ani Benitez.
(Bert de Guzman)