BINASAG na ni Manay Marichu “Ichu” Maceda, dating member ng execom ng Metro Manila Film Festival, ang kanyang pananahimik sa mga isyu sa filmfest sa isang dinner with friends, sa birthday ng columnists na sina Mario Bautista at Nitz Miralles sponsored by talent managers Shirley Kuan at Dolor Guevarra.

Isa sa prime movers ng local entertainment industry si Manay Ichu kaya kinulit siya ng kanyang press friends na magbigay ng opinion tungkol sa pagpili ng indie films sa katatapos na 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“It’s very obvious they just discriminated against mainstreams films,” sabi ni Manay Ichu. “I have nothing against indie films and I admit that mainstream films need to improve, but some of the indie films matagal nang tapos, wala lang makuhang playdate. At hindi rin naman lahat, of real quality. Hindi ba iyong isang pinili nila, ni hindi nakakuha ng kahit anong grade mula sa Cinema Evaluation Board (CEB)? Mabuti pa iyong ibang ni-reject nila pero naipalabas bago ang festival, nakakuha ng B.”

Concerned din si Manay Ichu na baka mawala sa local films ang Christmas playdate.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ang tagal naming ipinaglaban ang playdate na iyan kasi before, puro big Hollywood movies ang ipinalalabas diyan. Sa ngayon, ang theater owners ay disgruntled because they lost a lot of money in the last filmfest. Gumastos sila ng billions para lamang ma-digitized ang kanilang theaters. So, how can you deprive them of movies that will make money?

“Tulad ng lagi kong sinasabi, this is a business, kaya nga tinawag na film industry because it gives jobs to a lot of people.

“Ngayon kung mawawala ‘yung na-establish nating habit ng local viewers of watching big local films during the Christmas holiday, I wouldn’t be surprised if theater owners would revert to showing Hollywood films kapag Pasko, na mas maraming bata ang nanonood. Sa last filmfest ba, kahit isang movie ginawa para sa mga bata?

“Alam ba ninyo how much the last filmfest really earned? Only P 373 million compared sa P1billion plus earned in 2014 at 2015. During those festivals, we were able to give as much as P9 million to the beneficiaries na umaasa ng pondo from the proceeds of the MMFF, tulad ng Mowelfund, Film Academy of the Philippines, Optical Media Board, Film Development Council, Anti-Piracy Council. Nakapagbigay din kami ng donations noon sa Tacloban victims. May mga nagsabing nagrereklamo ang mga agencies na ito, sabi nila, ‘ay, hindi totoo yan, paninira lang.’

“Iharap ninyo sa akin kung sino ang nagsabi niyan, tulad din sila ng nagsasabi na hindi sila gumagawa ng pelikula para kumita. Sige nga, magharap kayo sa akin ng producer na nagsabing gumagawa sila ng movie para malugi?

Hindi rin nakapagbigay ng incentives ang MMFF 2016 sa mga nanalong pelikula at mga artista, hanggang sa technical winners sa gabi ng parangal, na ginagawa taun-taon ng festival, dahil halos wala raw natira sa kinita ng filmfest matapos bawasin ang mga ginastos.

Kaya natanong si Manay Ichu kung ano sa palagay niya ang mangyayari sa MMFF 2017, na ngayon pa lang ay may mga director nang gumagawa ng indie films para isali sa filmfest sa December?

“I don’t really know. But ang gusto ko, mabalik ‘yung commercial viability ng festival during the holiday season. Kasi kung hindi, I’m afraid the theater owners will demand na Hollywood releases na lang ang ipalalabas nila,” sagot ni Manay Ichu. (NORA CALDERON)