JODI AT JOLO1 copy

PAANO ba ‘yan, ibinasura ng Court of Appeals ang apela para ma-annul ang kasal nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson.

Ibinalita ito ng TV Patrol at marami ang nalungkot para sa dalawa dahil may kanya-kanya na silang buhay sa piling ng ibang partner nila.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

Matagal nang may relasyon si Jodi kay Cavite Vice-Governor Jolo Revilla. Karelasyon naman ni Pampi si Iwa Moto at may isa silang anak na babae. Siguradong may planong magpakasal sina Jolo at Jodi at Pampi at Iwa, pero paano mangyayari ito kung hindi mapapawalang-bisa ang kasal nina Jodi at Pampi?

Ang kaigihan lang, maganda ang samahan nina Jodi at Iwa. Katunayan, nakakasama nina Jodi at anak nila ni Pampi na si Thirdy sina Iwa at ang anak nitong si Mimi. May nakita rin kaming picture nina Iwa, Mimi at Thirdy na wala si Jodi.

(Nitz Miralles)