ONGOING ang Meralco customer information updating program na tinaguriang Project Handa, sa tulong ni Jimmy Alapag, retiradong point guard ng Meralco Bolts at kasama sa coaching staff nito ngayon bilang mukha ng nasabing kampanya.

Para sa nakaraang Meralco bill, nanawagan si Jimmy na i-update ng customers ang kanilang contact information na magiging susi upang maabot sila ng Meralco at mapaalalahanan sa panahon ng emergency na maaaring makaapekto sa kanilang electricity service.

Ang Meralco ay nagpapadala ng text alerts ukol sa power interruption schedules, at sa oras ng kalamidad o sakuna tulad ng baha, bagyo, lindol, mga nabuwal na puno at mga naputol na kable para matulungang makapaghanda at manatiling ligtas ang customers.

Sa customer information sheet, maaaring isulat ang inyong cellphone at landline numbers, email address, landline number, Facebook, Twitter at Instagram user names. Ang mga napunan na forms ay maaaring isumite sa pinakamalapit na Meralco Business Center o Bayad Center, o sa awtorisadong Meralco bill delivery messenger.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Noong Hunyo, tampok din si Alapag sa Meralco advisory TV commercial kasama ang anchors na sina Joe Zaldarriaga at Maita David na nagpaalala sa customers na i-update ang kanilang contact information at maging social media accounts.

Patuloy rin ang basketball star sa pagtulong sa kampanya ng Meralco sa pamamagitan ng mga interview sa radyo at TV.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring puntahan ang www.meralco.com.ph/updatingyourinfo o kaya ang Meralco official Facebook at Twitter accounts @meralco.