WINNIPEG, Manitoba (Reuters) – Isang ina ang napatunayang nagkasala nitong Lunes sa pagtatago ng nabubulok na bangkay ng anim na sanggol sa isang storage locker.

Si Andrea Giesbrecht, 43, ay kinasuhan ng “six counts of concealing the body of a child” noong Oktubre 2014.

Natuklasan ng mga empleyado ng storage company na U-Haul ang nangangamoy na mga bangkay sa kanyang locker matapos siyang pumaso sa pagbayad ng renta dito.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Nang buksan ito ng mga pulis, nakita sa loob ang mga bangkay ng limang lalaki at isang babaeng sanggol na nakalagay sa garbage bag, plastic bin at timba, kasama ang mga laruan at damit pambata.

Lumabas sa DNA test na ang anim na sanggol ay may relasyon kay Giesbrecht at sa asawa nito.

Napatunayan ni Judge Murray Thompson sa Manitoba provincial court sa Winnipeg na palihim na binalot ni Giesbrecht ang mga bangkay, at gumamit ng maling address at pangalan niya sa pagkadalaga para sa storage locker account. Tinanggap ng hukom ang testimonya ng mga eksperto na ang mga sanggol ay buhay nang isinilang.