TATLONG Pinoy boxer ang natalo sa kanilang laban sa Japan samantalang isa pa ang nabigo sa kanyang laban sa dating world champion sa South Korea.

Nakalasap ng unang pagkatalo kamakalawa ng gabi si Philippine super featherweight champion Allan Vallespin nang mapatigil siya sa 3rd round ng sumisikat na si Masaru Sueyoshi sa 10-round bout sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Sa undercard ng laban, apat na round lamang ang itinagal ni Diomel Diocos kay OPBF flyweight champion at world rated Daigo Higa na may perpektong rekord ngayon na 12-0, pawang knockout.

Natalo rin kamakailan si Anthony Sabalde sa 12-round unanimous decision kay Japanese lightweight champion Nihito Arakawa sa Korakuen Hall kaya naisuot ng Hapones ang bakanteng WBO Asia Pacific lightweight title at inaasahang papasok sa world ranking.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napadugo naman ni dating WBA super featherweight champion Yong Soo Choi ang kaliwang mata ni Filipino fighter Nelson Tinampay kaya itinigil ang sagupaan at nagwagi sa 10th round technical knockout para sa interim WBC Eurasia Pacific Boxing Council lightweight title nitong Linggo sa Hilton Hotel sa Seoul, South Korea. (Gilbert Espeña)