BEIRUT (AP) – Sinabi ng Amnesty International na pinatay ng Syrian authorities ang 13,000 katao sa maramihang pagbigti sa isang kulungan sa hilaga ng Damascus na binansagan ng mga detainee na “slaughterhouse.”
Inilabas ng grupo ang ulat kahapon, sumasakop sa panahon nang magsimula ang mga pag-aaklas noong 2011 hanggang 2015.
Sa mga panahong ito, sinabi ng Amnesty na isang grupo ng 20 hanggang 50 katao ang binibitay sa Saydnaya Prison, isa o dalawang beses kada linggo. Ayon dito ang mga pagpatay ay inaprubahan ng mga matataas na opisyal, kabilang na ang mga deputy ni President Bashar Assad.