PINARANGALAN ng bagong award-giving body bilang Best Supporting Actor si Xian Lim ang kanyang kahusayan sa pagganap bilang anak ni Vilma Santos pelikulang Everything About Her ng Star Cinema na pinagbibidahan din ni Angel Locsin.

Ang GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) na nagbigay-parangal kay Xian ay binubuo ng mga academician mula sa iba’t ibang paaralan, mga propesyonal mula sa mga pribadong institusyon at sektor ng lipunan, at mga mag-aaral ng mga prestihiyosong kolehiyo at pamantasan. Kasama si Xian sa kanilang unang bigayan ng award na agad nakarating sa aktor.

“Thank you again sa Star Cinema at kay Direk Joyce (Bernal) for giving me the role of Albert Mitra. Nu’ng nakita ko ‘yung post nila about being their Best Supporting Actor, sabi ko, ‘Wow, all the hard works just paid off.’ And it just made me so happy, mas na-inspire pa ako lalo sa trabaho na ‘to,” masayang sabi ni Xian.

Ito ang kauna-unahang acting award ng aktor.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inspired tuloy siya na mas galingan pa ang kanyang trabaho.

“For any actor, talagang ang maka-recieve ng award is an added bonus. ‘Yung pagod at hirap pala na ‘binuhos ko dito (Everything About Her), ito pala ‘yung kayang marating. So, kumbaga it serves as a benchmark, it opened a lot of doors, a lot of opportunities. Pero it’s not a project po na kampante na ako, na alam ko na ito. No, no, no!

“One take away na meron na po ako sa Everything About Her is ‘yung hindi ka p’wedeng makampante. You always have to do the homework and be prepared to learn. Sabi nga ni Ms. Vilma Santos, sa how many years niya sa industry, marami pa rin siyang hindi alam. So, what more ako, di ba?” aniya.

Mukhang good year din kay Xian ang 2017. Siya ang bagong karakter na nadagdag sa primetime series ng Star Creatives na A Love To Last na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo. Gumaganap siya bilang dating kababata ni Bea sa Batangas. Umere na ang kanyang first appearance sa serye last Tuesday.

Pero nilinaw niya na bilang third wheel sa umuusbong na pagmamahalan nina Anton (Ian) at Andeng (Bea) sa A Love To Last, na hindi siya magiging kontrabida sa series.

“Hindi po siya villain. Si Totoy iba. Iba ‘yung journey niya with Ian. Makikita naman po nila ‘yung back story nina Totoy at Andeng, ‘yung pinanggalingan nila. Hindi naman po basta na lang ako sumulpot sa istorya.”

So, hindi siya magiging kontrabida sa pananaw ng Ian-Bea supporters?

“Alam naman po ng karamihan na roles lang naman ‘yung ginagampanan namin. Maybe sa story, they’ll be protective kung anuman ‘yung nangyayari but aside from that, we’re here to offer them a good story,” pagtatapos ni Xian.

(Ador Saluta)