INUNSIYAMI ng University of the Philippines ang career performance ng Adamson hitter na si Michael Sudaria nang ungusan ang Falcons, 24-26, 25-20, 31-33, 27-25, 15-10, sa unang laro kahapon ng UAAP Season 79 men’s volleyball tournament sa Araneta Coliseum.

Hindi bumitaw ang Fighting Maroons hanggang sa deciding set upang humanay sa mga opening day winners Ateneo de Manila Blue Eagles at National University Bulldogs.

Pinangunahan ng graduating spiker na si Alfred Valbuena ang nasabing panalo sa kanyang itinalang 19 na puntos bukod pa sa 10 dig. Sinundan siya ni team captain Wendel Miguel na tumapos na may 18 puntos, 21 excellent reception at 11 dig.

Nawalan ng saysay ang personal-best na 29 puntos ni Sudaria na tinampukan ng 25 hit at apat na block bukod pa sa 27 reception at 14 dig dahil hindi nito naisalba ang Falcons.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa isa pang laban, nanguna naman ang graduating ding spiker na si Greg Dollor para walisin ng Far Eastern University ang De La Salle, 25-16 , 25-19, 26-24.

Nagtala si Dolor ng 15 puntos, 14 dito at galing sa hit upang tumapos na topscorer para sa Tamaraws.

Nanguna naman sa losing cause ng Green Spikers so Raymark Woo na nagposte ng 16 puntos. (Marivic Awitan)