Mga Laro Ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

11 n.u. -- Racal vs Batangas

1 n.h. -- JRU vs AMA

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

ITATAYA ng Racal at Jose Rizal University ang malinis na karta sa pagsalang sa magkahiwalay na laro sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao.

Para kay Tile Masters coach Jerry Codinera, natuto ng kanilang leksiyon ang kanyang tropa sa naitalang 78-73 panalo kontra AMA Online Education noong nakaraang Lunes.

“We underestimated them. We learned so much from this game and it really shows that you can’t take anyone lightly,” pahayag ni Codiñera.

Kaya naman sisikapin ni Codinera na maitama lahat ng kanilang mga naging pagkakamali sa nakatakdang laban kontra Batangas sa pambungad na laro ngayong 11:00 ng umaga.

Sa panig ng Batanguenos, aminado sila na walang pantapat kung tao- tao ang labanan, ngunit umaasa silang makakaya nilang lumaban ng sabayan kontra Racal.

“Expected finalist at malakas yan. We just want to play fair, decent, and wag lang sana kaming matambakan,” ayon kay coach Eric Gonzales.

Naniniwala naman si JRU coach Vergel Meneses na matinding laban ang kanilang susuungin kontra AMA Online Education ngayong 1:00 ng hapon..

“It’s going to be a battle of execution. Yung defense namin, nandyan na so kailangan na lang namin sila ma-limit sa opensa,” ayon kay Meneses. (Marivic Awitan)