Mga Laro Ngayon
(Smart-Araneta Coliseum)
4:15 n.h. – Star vs Phoenix
7 n.g. -- Globalport vs Talk ‘N Text
TARGET ng Star Hotshots at Talk ‘N Text na tapusin ang kani-kanilang quarterfinal match-up ngayon para makausad sa Final Four ng 2017 OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Unang magtatangkang magwalis ang Hotshots sa kanilang best-of-3 series kontra Phoenix Fuel Masters ganap na 4:15 ng hapon bago sumabak ang Texters kontra Globalport Batang Pier ganap na 7:00 ng gabi.
Tinalo ng Hotshots ang Fuel Masters, 114-83, nitong Sabado habang pinadapa ng Texters ang Batang Pier, 109-101.
Depensa ang muling aasahan ng Texters at Hotshots para tuluyang makasampa sa semifinals.
Sinabi ni Jayson Castro na talagang naka-focus ang kanilang depensa para malimitahan at i- challenge ang lahat ng pagtatangka sa basket ni Terrence Romeo. (Marivic Awitan)