Hinamon kahapon ng whistleblower na si Sandra Cam si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na tutukan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng guwardiyang nagsiwalat sa mga ilegal na kalakaran sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong 2012.

Sabado ng umaga nang binaril at napatay ng dalawang hindi nakikilalang suspek ang prison guard na si Kabungsuan Makilala sa loob ng isang bus sa Carmen, Davao del Norte.

Giit ni Cam, kumbinsido siyang walang ibang motibo sa pagpaslang kay Makilala kundi ang pagbubunyag nito sa anomalya sa mga allowance ng mga preso sa NBP.

Aniya, si Senator Leila De Lima ang justice secretary nang sumailalim si Makilala sa Witness Protection Program pero kalaunan ay inalis ito sa programa at inilipat sa Davao Prison and Penal Farm.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Cam na dapat himayin ni Aguirre at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga detalye sa pagkamatay ni Makilala dahil patunay ito ng kawalan ng proteksiyon para sa mga whistleblower. (Beth Camia)