Muling nakaamba ang pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis ng panibagong oil price hike ngayong linggo.
Ayon sa industriya ng langis, posibleng tumaas ng 30-40 sentimos ang kada litro ng gasolina at kerosene, habang 20-30 sentimos naman ang idadagdag sa diesel.
Ang napipintong pagtaas ng presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Matatandaang nitong Enero 31 lamang nagtaas ng 25 sentimos sa kada litro ng diesel. (Bella Gamotea)