lady-gaga-copy

GINALINGAN talaga ni Lady Gaga!

Ibinigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa Pepsi Zero Super Bowl Halftime show sa Super Bowl LI sa NRG Stadium sa Houston, Texas kahapon.

Sinimulan ni Mother Monster ang pagtatanghal sa kanyang mensahe ng pagtanggap at sa pagkanta ng Godbless America, mula sa tuktok ng stadium bago siya bumaba at kumanta ng Poker Face.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Lumitaw ang haka-haka na lalabas si Beyonce nang magtanghal si Gaga ng Telephone, pero walang Bey na lumabas.

Nagpatuloy ang singer na nagmula sa New York sa kanyang Just Dance, awitin mula sa kanyang pinakabagong album na Joanne, Million Reasons, at Bad Romance, bago niya inilaglag ang mikropono at tumalon sa kailaliman para sa epic na pagtatapos ng kanyang pagtatanghal.

Sa gitna ng mga haka-haka na magkakaroon ng espesyal na guest stars, inihayag ni Lady Gaga ilang oras bago siya nagtanghal na siya ay magso-solo.

“I want to say thank you to my fans for cheering me on all these years. There will not be any guest performers tonight, I’m doing these 13 minutes solo!” aniya sa kanyang madamdaming post sa Instagram.

“Thank you for believing in us so we could be here today little monsters this is YOUR stage. And I’m gonna leave my heart on it so you never forget it. Let’s do this.”

Nakausap ng ET ang mga magulang ni Gaga na sina Cynthia at Joe Germanotta, bago nagtanghal ang kanilang anak.

“From the time she was little until now, she’s been an inspiration to all of us,” ani Joe. “Not only to our family, but to the world, and to finally realize this... to be on the biggest stage on the world is every artist’s dream.”

(ET Online) (ROBERT R. REQUINTINA)