KRIS B copy copy

INAABOT ng isang oras ang paglalagay ng prosthetics sa mukha ni Kris Bernal para sa Nimfa karakter niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Impostora.

After one hour, hindi na siya makikilala dahil ibang-iba na ang mukha niya.

Walang reklamo si Kris na pinapangit siya dahil kailangan sa karakter na gagampanan. Ang Rosette karakter naman niya, maganda siya, kaya doon na siya bumawi.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

One year na hindi gumawa ng teleserye si Kris na napabalita pang aalis na sa GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN o kaya’y magpa-manage sa Viva Artist Agency. Hindi niya itinanggi ang bagay na ito.

“Wala akong tampo sa GMA-7 kaya ako nakipag-meeting. Inisip ko lang kung ano pa ang puwede kong gawin outside GMA-7.

Pero pinili ko pa ring manatiling Kapuso dahil pagkatapos kong makipag-meeting, pagkatapos kong magtanong at manghingi ng advise sa maraming tao, naisip kong ang GMA-7 pa rin ang makakapagbigay sa akin ng projects na makakapag-explore ako at matsa-challenge ako. Isa na nga itong Impostora at excited akong gawin ito,” pahayag ni Kris.

Three years ang bagong kontratang pinirmahan ni Kris sa Kapuso Network, hindi niya sinagot at tanong kung kasama sa kontrata ang pagtaas ng kanyang talent fee. Smile lang ang sagot niya, na ibig sabihin, may increase sa kanyang TF.

Anyway, sometime in March ang pilot ng Impostora mula sa direction ni Albert Langitan. Leading man ni Kris dito si Rafael Rosell at makakasama nila sina Ryan Eigenmann, Vaness del Moral, Aicelle Santos, James Blanco, Leandro Baldemor, Sinon Loresca at Ms. Elizabeth Oropesa. (Nitz Miralles)