UMAABOT sa 8.8 milyong katao sa mundo ang namamatay sa cancer taun-taon, ayon sa World Health Organization.

Ayon sa pahayag na inilabas ng organisasyon kasabay ng World Cancer Day nitong Sabado, Pebrero 4, natutuklasan lamang ang cancer kapag nasa huling bahagi na ang karamdaman.

“New WHO figures released this week indicate that each year 8.8 million people die from cancer, mostly in low-and middle-income countries. One problem is that many cancer cases are diagnosed too late,” ayon sa World Health Organization.

Pinagtutuunan ng espesyal na atensiyon ng World Health Organization ang maagang pagtukoy sa cancer dahil karamihan sa mga oncological disease ay nalulunasan kapag nadiskubre nang maaga.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

Alinsunod sa criteria ng World Health Organization, malulunasan pa ang cancer kung nabuhay pa ng mahigit limang taon ang pasyente makaraang makumpirma na taglay niya ang sakit. Karaniwan nang nauuwi sa kamatayan ang cancer kapag nasa ikatlo o ikaapat na bahagi na ng karamdaman ang pasyente.

“By taking the steps to implement WHO’s new guidance, healthcare planners can improve early diagnosis of cancer and ensure prompt treatment, especially for breast, cervical, and colorectal cancers. This will result in more people surviving cancer. It will also be less expensive to treat and cure cancer patients,” sabi ni Dr. Etienne Krug, director ng Department for the Management of Noncommunicable Diseases, Disability, Violence and Injury Prevention ng World Health Organization.

Sa Russia, sinabi ni Health Minister Veronika Skvortsova na sa nakalipas na mga taon ay mas madalas na maaga nang natutukoy ang cancer at umaabot sa isa hanggang limang taon pang nabubuhay ang pasyente.

“The identification of cancer at early stages has shown noticeable improvement. More than 57 percent of oncological diseases in Russia are exposed at early stages,” sabi ni Skvortsova.

Nagkaroon ang Health Ministry ng mga bagong patakaran sa komprehensibong pagsusuring medikal, na maaari nang ipatupad sa susunod na taon.

Habang isinasapinal ang programa ng gobyerno laban sa cancer, sinabi ni Mikhail Davydov, ang pangunahing outsourced cancer specialist ng Russian Health Ministry, na ipiprisinta ang programa sa idaraos na oncological conference sa kabisera ng Bashkortostan na Ufa ilang buwan mula ngayon.

Cancer ang ikalawang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Russia, umaabot sa 14-15 porsiyento ng pagkamatay ng mga Russian ay dahil dito, ayon kay Skvortsova. (PNA)