feu copy

Mga laro sa Huwebes

(Moro Lorenzo Field)

2 n.h. -- Ateneo vs NU

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

4 n.h. – UE vs UP

ISANG goal ang ipinasok ni Chester Gio Pabualan sa ika-29 minuto upang ihatid ang Far Eastern University-Diliman sa 1-0 tagumpay kontra De La Salle-Zobel para maangkin ang titulo sa pagtatapos ng UAAP Season 79 juniors football tournament noong Sabado sa Rizal Memorial Stadium.

Dahil sa nasabing goal ni Pabualan, nakamit ng Baby Tamaraws ang ikapitong sunod na juniors crown.

Tinapos ng FEU-Diliman ang season na may anim na sunod na tagumpay kasunod ng 1-2 kabiguan nila De La Salle-Zobel sa opening day.

Nahirang si Orlan Togores, kakampi ni Pabualan sa national Under 16 team bilang season MVP, habang napili naman si Jermi Darapan bilang Rookie of the Year.

Ang iba pang awardees ay sina Pabualan (Best Midfielder) at Keith Absalon (Best Striker) ng Baby Tamaraws at Eduard Acervida ng Junior Archers bilang Best Defender.

Nakamit naman ng De La Salle Zobel ang Fair play award at Best goalkeeper naman si Gavin Rosario ng third placer Ateneo.

Napili namang mapabilang sa Mythical XI sina Pabualan, Absalon at Pocholo Bugas ng FEU, Acervida, Elijah Liao, Jed Bode at Miguel Basmayor ng DLSZ, ‘ Jiannecel Molina ng University of Santo Tomas at sina Jonas del Rosario at Rosario ng Ateneo.

Samantala, sa pagsisimula ng aksiyon sa men’s division, nagtapos ang duwelo ng defending champion University of the Philippines at De La Sallesa scoreless draw habang nagtapos naman sa 2-2 draw ang laban ng National University at University of the Philippines. (Marivic Awitan)