APAT na manlalaro mula sa defending champion San Miguel Beer at isang rookie ang kabilang sa top ten contender para sa 2017 PBA Philippine Cup Best Player of the Conference award matapos ang elimination round.

Batay sa statistics na inilabas ng liga, nangunguna pa rin sa laban ang reigning league 3- time MVP na si Junemar Fajardo na may natipong 45.0 average statistical points.

Kasunod ni Fajardo, lider din sa rebounds sa average na 16.0 rpg, si Globalport topgun Terrence Romeo, ang league leading scorer na may average na 28.7 ppg na nakatipon ng 41.5 SP’s.

Malayong pumapangatlo ang kakampi ni Fajardo na si Arwind Santos na may 34.3 SP’s kasunod ang isa pang Beermen na si Alex Cabagnot na may 33.4 SP’s.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nasa ikalimang puwesto si Ginebra high leaping big man Japeth Aguilar ang league leader sa blocks sa average nitong 1.9 bpg na may natipong 32.0 SP’s.

Kasunod niya si Phoenix rookie Matthew Wright na may 31.7 sp’s , pampito si Alaska small forward Calvin Abueva na may 30.6 SP’s , pangwalo si Beermen guard Marcio Lassiter na may 30.5 SP’s , pangsiyam si Alex Mallari ng Mahindra na may 29.5 SP’s at ika-10 si Season 41 Rookie of the Year Chris Newsome ng Meralco na may 29.3 SP’s.

Kasunod naman ni Wright sa mga top rookie performers sina Mac Belo ng Blackwater (37 SP’s) , Jiovani Jalalon ng Star (27.7 SP’s) at Roger Pogoy ng Talk N Text (23.2 SP’s).

Samantala, nangunguna naman bilang assist at steal leader ang isa pa ring Beermen na si Chris Ross na may average na 6.4 apg at 3.2 spg. (Marivic Awitan)