“See you in Malacañang.”

Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang utos ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” dela Rosa na isailalim sa ‘disciplinary retraining’ ang mga tiwaling pulis.

Ayon kay Duterte, ang mga pulis na nagsamantala sa kanyang drug war para magsagawa ng krimen ay dapat na suspendihin at ipinag-utos na mag-report sa kanya sa Malacañang.

“No, they will be suspended, all of them. Tapos mag-report sila diyan sa Malacañang, diyan sa opisina ko. Magtindig sila lahat diyan until I decide what to do with them,” pahayag niya sa mga mamamahayag sa pagbisita niya sa puntod ng ina sa Davao City, nitong Sabado ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I am countermanding the order of Bato. Bakit ko i-training ‘yan? Re-training to be better scalawags than what you are?” dagdag niya.

Nagawa pang magbiro ng Pangulo na kailangan niya ang mga pulis sa Malacañang upang mapagsaluhan nila ang mga water lilies sa Pasig River dahil hindi umano makadaan ang kanyang bangka dahil sangkatutak ang mga ito.

Aabot sa kabuuang 387 pulis sa Metro Manila ang ipinadala sa Camp Crame para sa “disciplinary retraining” bilang parte ng paglilinis sa hanay ng PNP. (Argyll Cyrus B. Geducos, Fer Taboy at Beth Camia)