NABIGO ang Pinoy fighter na si Ardin Diale na maipagtanggol ang WBC International flyweight title matapos matalo sa 12-round unanimous decision kahapon kay IBF Intercontinental champion Andrew Selby ng United Kingdom sa Olympia, Kensington, London.

Tiniyak ng maestilong si Selby na siya ang magwawagi sa laban sa dating world title challenger pero nabigo siyang pabagsakin ang beteranong Pinoy boxer.

“Selby – younger brother of featherweight world champion Lee Selby – looked a class above as his combination of speed and ring craft helped him pick up the WBC international flyweight title. All three judges scored the contest 100-90,” ayon sa ulat ng BoxingScene na nangangahulugan na walang kinuhang kahit isang round si Diale.

“The Welshman, 28, buckled the knees of his Filipino opponent with a pin point straight right hand in the second round and repeated the trick in the fourth with another meaty overhand right which drew gasps from the crowd,” dagdag sa ulat. “A four punch combination temporarily stopped Diale in his tracks in round seven and a barrage of unanswered shots in the following round had the referee having a closer look but Selby was unable to land the finishing blow.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napaganda ni Selby ang kanyang rekord sa perpektong 8-0, tampok ang anim na knockout, samantalang bumagsak ang kartada ni Diale sa 32-11-4, kabilang ang 15 knockout.

Sa Adelaide Australia, nabigo rin sa kanilang mga laban ang mga Pilipinong sina Renoel Pael at Marco Demecillo nang matalo sa puntos ng kambal na boksingerong sina Andrew at Jason Moloney.

Walang iniulat na score card ang boxrec.com at hindi rin nagsulat si Fightnews.com correspondent Ray Wheatley tungkol sa dalawang sagupaan kaya may hinala ang boxing fans na natalo sila sa hometown decision. (Gilbert Espeña)