HINDI na tumuloy lumaban sa ika-walong round si Pinoy boxer Joey Canoy kaya idineklara siyang natalo via technical knockout kay Hekkie Budler na muling natamo ang IBO light flyweight crown kahapon sa Emperors Palace, Kempton Park, Gauteng, South Africa.

Nakipagsabayan sa unang anim na round si Canoy kay Budler at nagawa niyang mapadugo ang ilong ng South African, ngunit nabigo siyang makaiwas sa foul tactics ng karibal sa sumunod na round.

Sa ikapitong round, itinulak si Canoy ni Budler bago sinapak sa panga pero kahit nagreklamo ang Pilipino ay binilangan pa rin ito ni Australian referee Gary Ingraham.

Na-groggy si Canoy sa ginawa ni Budler kaya sinamantala ito ng South African.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Budler had knocked Canoy down in the seventh round, and while the Filipino claimed he had been pushed, the referee gave him the standing eight count,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “And while he failed to finish him off, Budler had done enough damage to become world champion once again, adding the IBO junior flyweight belt to the WBA and IBA minimumweight titles, as well as the IBO light flyweight gongs he previously held.”

Ito ang ikalawang kabiguan ng mga Pilipino sa tatlong world title bout sa taong ito matapos matalo sa manipis na 12-round unanimous decision si WBC No. 9 Melvin Jerusalem kay WBC minimumweight champion Wahyeng Menathoyin nitong Enero 25 sa Phitsanuok, Thailand.

Nagwagi si Menathoyin sa tulong ng ibinawas na puntos sa Pilipino sa low blow ng Amerikanong referee na si Celestino Ruiz sa 8th round ng sagupaan.

Matagumpay namang naipagtanggol ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo nang talunin sa 8th round TKO si dating interim WBA light flyweight champion Jose Alfredo Rodriguez ng Mexico noong nakaraang Enero 29 sa Macao, China. (Gilbert Espeña)