WELLINGTON, New Zealand (AP) — Nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot si All Blacks lock Patrick Tuipulotu, ayon sa New Zealand Rugby (NZR) nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Pormal na naglabas ng pahayag ang New Zealand Rugby matapos pumutok ang isyu sa lokal media.

Hindi ipinahayag ng NZR kung anong klseng substance ang nakita sa samples ni Tuipulotu, ngunit iginiit na ang ginamit sa pagsusuri ay ang samples na nakuha sa kanya sa nakalipas na taon.

“Patrick was shocked by the test result and is working hard to identify the source of the specified substance. In accordance with WADA regulations, Patrick remains provisionally suspended pending resolution of this matter,” pahayag ng NZR.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

“Further to these regulations, NZR and NZPRA are bound by strict confidentiality obligations.”

Ang 24-anyos na si Tuipulotu ay naglaro ng 12 test sa New Zealand mula nang mag-debut noong 2014.