Sugat at pasa ang tinamo ng apat na katao makaraang magbanggaan ang anim na sasakyan sa Taytay, Rizal, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Ely Layuno, Sonny Bravo, Raymund Lim, at Reynante Cacao.

Sa ulat ng Taytay Traffic Police, dakong 8:00 ng gabi nangyari ang aksidente sa pagitan ng tatlong truck, dalawang taxi at isang sports utility vehicle (SUV) sa Ortigas Avenue Extension sa Taytay.

Ayon kay Cacao, binangga ng boom truck ang minamaneho niyang truck, na bumangga rin sa isang taxi sa Barangay Dolores.

Pulong Duterte, pinatutsadahan 1Sambayan; pinondohan daw ng 'tambangag'?

Galing umano sa kabilang direksiyon ang boom truck at nag-swerve sa kanilang direksiyon, kaya napilitan siyang pumihit sa kanan ngunit nabangga pa rin.

Nadamay na lamang ang isa pang taxi, isang SUV at isang nakaparadang Elf truck dahil sa lakas ng pagkakasalpok.

(MARY ANN SANTIAGO)