Tatlumpu’t isang taon na ang nakalilipas matapos ang makasaysayang EDSA People Power I ay nananatili pa ring pangarap ng Pilipinas ang demokrasya.

Ito ang naging pahayag ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan kaugnay ng nalalapit na paggunita ng bansa sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power o ang pagpapatalsik ng sambayanang Pilipino kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Cabantan, maituturing na kawalan ng demokrasya ang takot na nararansan ng mga Pilipino na maging biktima ng kung tawagin ay “extrajudicial killing” (EJK).

“I am not an analyst but my own personal opinion is that the two contradicting data will speak for itself how truly free are the citizens in a democratic space where at the same time there is a climate of fear specially among the poor families who suffered the consequence of the killings in the country. Some feared for their lives and some feared to bullied in public,” pahayag ni Cabantan, sa panayam sa Radio Veritas.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Tinukoy ng Obispo ang magkasalungat na survey ng Social Weather Stations na 86 na porsiyento ng mga Pinoy ay kuntento sa demokrasya sa ilalim ng administrasyong Duterte, subalit 76% naman ang nagsasabing takot silang maging biktima ng EJK. - Mary Ann Santiago