Ni REMY UMEREZ
SA unang pagkakataon ay magsasama sa isang Valentine concert ang The Company at The New Minstrels na pinamagatang Happy Together na gaganapin sa PICC sa February 13.
Sumikat nang husto ang dalawang grupo noong dekada 70 at ito ang una nilang pagsasama sa
stage.
Naging tila panata na ng The New Minstrels ang pagkakaroon ng show tuwing Valentine para muli’t muling sariwain ang mga awiting pinasikat ng kanilang mga miyembrong Joey Albert (Tell Me at Ikaw Lang Ang Mamahalin) Ding Mercado (See You There), Chad Borja (Ikaw Lang), Eugene Villaluz (Gulong ng Palad), atbp.
Patuloy ang pagiging aktibo ng The Company na nagdiwang ng 30th year sa music business last year. Malaking influence sa pagkanta nila ang Manhattan Transfer at Swing Singers. Ilan lang sa big hits nila ang Manila at You Changed My Life in a Moment.
Ang The Company ay binubuo nina Moy Ortiz (bass), Sweet Plantsado (soprano), Cecile Bautista (alto), Annie Quiros at ang nagbabalik na original member na si Reuben Llorente na matagal namalagi sa ibang bansa.