Nagsimula nang mangalap ng impormasyon ang binuong inter-agency task force na mag-iimbestiga sa pagkakatupok ng pabrika ng House Technology Industries (HTI) sa General Trias, Cavite nitong Miyerkules ng gabi.

Kabilang sa task group ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare (DSWD), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross (PRC), Department of Labor and Employment (DoLE), Philippine National Police (PNP), lokal na pamahalaan ng General Trias at pamahalaang panglalawigan ng Cavite at local disaster risk reduction and management councils.

Ayon kay Cavite Gov. Crispin “Boying” Remulla, layunin ng pagtatalaga ng maraming miyembro ng lupon na mapadali ang pagsisiyasat at maipatupad kaagad ang karampatang aksiyon para na rin sa kapakanan ng mga apektadong manggagawa.

Kinumpirma naman ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Charito Plaza na nagsimula na ang imbestigasyon sa sunog.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagsimula bandang 6:19 ng gabi nitong Miyerkules, inabot ng 46 na oras bago naapula ang apoy sa pabrika, na 126 ang kabuuang bilang ng nasugatan.

Sa ngayon, nananatiling naka-confine sa mga ospital sa Cavite ang 51 sa mga biktima habang 25 naman ang inilipat sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Sinabi naman ni DoLE Secretary Silvestre Bello III na maaaring magsiyasat ang kagawaran sa insidente kahit hindi nito suspendihin ang operasyon ng HTI.

Kumpirmado namang walang nasawi sa sunog, na tumupok sa P15 bilyon halaga ng ari-arian. (Beth Camia)