Ni Genalyn D. Kabiling

Binati ni Pangulong Duterte ang Manila Bulletin na nagdiwang ng ika-117 anibersaryo nitong Huwebes, at pinuri ang patuloy na adhikain ng pahayagan sa responsableng pamamahayag.

Sa video message na ipinadala sa Manila Bulletin, pinuri rin ng Pangulo ang pagsasabuhay ng pahayagan sa motto nito bilang “exponent of Philippine progress”.

“Congratulations to the hardworking men and women of the Manila Bulletin led by Chairman Basilio C. Yap, Vice Chairman Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Jun Icban on your 117th year,” sabi ng Pangulo.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“It has been that long but still the Manila Bulletin continues to be the exponent of Philippine progress and pillar of responsible journalism. Mabuhay kayong lahat,” aniya pa.

Ang Manila Bulletin, na nakilala sa patas, wasto at responsableng paghahatid ng mga balitang pambansa at pandaigdig ay nagdiwang ng ika-117 anibersaryo nitong Pebrero 2.

Ang Manila Bulletin siyang mother paper at tagapaglathala nitong pahayagang Balita.