Alaska (MB photos | (Rio Leonelle Deluvio)

Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Ynares Sports Center)

4:30 n.h. – Ginebra vs Alaska

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

6:45 n.g. – San Miguel vs Rain or Shine

PORMAL na makausad sa semifinals ang kapwa tatangkain ng top two team San Miguel Beer at Alaska sa pagsabak sa quarterfinals series ngayong hapon sa 2017 OPPO- PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Tangan ang ‘twice-to-beat’ na bentahe bilang No.1 at No.2 team, ayon sa pagkakasunod, haharapin ng Beermen at Aces ang mga karibal na kumpiyansa na makakausad sa susunod na round.

Haharapin ng Aces and Barangay Ginebra Kings sa 4:30 ng hapon, habang magtututos ang Beermen at Rain or Shine Painters sa tampok na laro sa 6:45 ng gabi.

Pormal nang nagsimula ang payoffs kahapon habang isinasara ang pahinang ito sa Mall of Asia Arena sa Pasay kung saan nagtapat ang 3rd seed Star at 6th seed Phoenix at ang 4th seed Globalport at ang 5th seed Talk N Text.

Kapwa tatangkain ng Kings at Elasto Painters na maipaghiganti ang natamo nilang kabiguan sa elimination upang makahirit ng rubbermatch at mapanatiling buhay ang tsansang makausad sa semifinals.

Sisikapin ng Elasto Painters na makabawi sa 101-107 kabiguan sa Beermen noong Enero 13 habang tatangkain ng Kings na makaganti sa 86-101 na kabiguan sa Aces noong Disyembre 18 ng nakaraang taon.

Bagama’t hawak ang bentahe, ayaw magkumpiyansa ng husto ni Beermen coach Leo Austria sa kanilang tsansa.

“From the start,I consider Rain or Shine as top contender.Minalas lang sila nung bandang huli ng eliminations kaya kinailangan pang dumaan sa knockout,” ani Austria. “Pero pagdating sa tao malalim na team na ‘yan at may experience kaya mahirap kalaban.”

Sa panig naman ng Rain or Shine, Hindi na nila iniisip ang sinasabing “fatigue factor’ na posibleng makaapekto sa kanilang performance dahil sa halos wala na silang pahinga bago sumabak sa playoffs.