OAKLAND, California (AP) – Nagdesisyon ang Golden State Warriors management na i-waived si backup center Anderson Varejao para bigyan daan ang planong palakasin ang kaniang backcourt.

Sa opisyal na pahayag ng koponan nitong Sabado, ang desisyon na bitiwan ang forward mula sa Brazil ay bahagi ng kanilang pagpupursige na mapalakas ang koponan na kasalukuyang nangunguna sa NBA tangan ang 43-7 karta.

Sa ulat ng Yahoo Sports, plano ng Warriors na kunin para sa 10-araw na kontrata si Briante Weber bilang pamalit pansamantala kay Shaun Livingston, nagmintis sa nakalipas na dalawang laro bunsod ng back strain.

Inaasahang papalit sa rotation ng Warriors si forward David West, nagbabalik aksiyon matapos mabalian ng kaliwang hinlalaki sa kamay na natamo sa laro kontra Okalahoma City sa nakalipasna buwan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa injury list din si Zaza Pachulia na nagtamo ng ‘strained’ sa rotator cuff ng kanang balikat.

Sa nakalipas na 14 laro sa Golden State, naitala ni Varejao ang averaged 1.3 puntos at 1.9 rebound.