KAMI ULI! Itinaas ni Ronald Lomotos (gitna) ng Philippine Navy-Standard Insurance ang mga kamay matapos makatawid sa finish line, kasunod ang mga kasangga para sa maagang dominasyon ng defending team champion, habang nakamit ni Navyman Rudy Roque ang simbolikong red jersey para sa individual leadership sa pagsisimula ng LBC Ronda Pilipinas kahapon sa Vigan, Ilocos Sur. (RIO DELUVIO)
KAMI ULI! Itinaas ni Ronald Lomotos (gitna) ng Philippine Navy-Standard Insurance ang mga kamay matapos makatawid sa finish line, kasunod ang mga kasangga para sa maagang dominasyon ng defending team champion, habang nakamit ni Navyman Rudy Roque ang simbolikong red jersey para sa individual leadership sa pagsisimula ng LBC Ronda Pilipinas kahapon sa Vigan, Ilocos Sur. (RIO DELUVIO)

VIGAN, Ilocos Sur – Tandaan ang pangalang Ronald Lomotos.

Maagang nagparamdam ng katatagan ang defending team champion Philippine Navy-Standard Insurance at sa pangunguna ni Lomotos para sa unang stage win at red jersey para kay Rudy Roque, matikas na sinimulan ng Navymen ang kampanya sa pagsisimula ng LBC Ronda Pilipinas 2017 kahapon sa Kapitolyo ng pamahalaang panlalawigan ng Vigan.

Gahibla lamang ang abante ni Lomotos kina Roque at sa isa pang kasanggang si Archie Cardana para sa matikas na 1-2-3 finish sa 158-kilometer Stage One.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Naisumite ng tatlong ang parehong tyempo na tatlong oras, 51 minuto at 47 segundo, ngunit, mas nauna sa pagtawid si Lomotos para sa kauna-unahang stage win mula nang lumahok sa karera may tatlong taon na ang nakalilipas.

Nakuha naman ni Roque, 25, ang LBC red jersey – simboliko ng pangunguna sa individual race – bunsod ng 15 segundong bonus matapos magwagi sa dalawang sprint race sa ruta at pagiging segunda sa stage race.

Tangan niya ang kabuuang oras na 3:51:32 tungo sa pagsikad ng Stage Two criterium.

Iginiit ni Roque, pambato ng Tibo, Bataan, dating protégée ni multi-titled Tour campaigner Renato Dolosa, na nagawa nilang makalusot sa lead pack sa huling 30 km. nang magipit si defending individual champion Jan Paul Morales.

“Our strategy is to help Jan Paul (Morales) but we went to Plan B when we realized he was being guarded closely by our foes,” pahayag ni Roque, pumuwesto sa ikasiyam sa unang edisyon ng Ronda.

Malugod naman ang pakiramdam ng 22-anyos na si Lomotos sa pagwawagi na aniya’y nakadagdag ng kumpiyansa sa kanyang diskarte para magtagumpay sa 14-stage race na may nakalaang P1 milyon para sa kampeon kaloob ng presentor LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

“I have been campaining for three years now and I’m glad to have won my very first stage,” pahayag ni Lomotos, pambato ng San Felipe, Zambales.

Humirit din si Cardana para makumpleto ang podium.

“He was supposed to race last year but missed it because he needed to undergo basic seaman course,” sambit ni Navy skipper Lloyd Lucien Reynante.

“I have been bragging that he will make a big impact and I’m glad he didn’t disappoint me.”

Tumapos si Morales, nagwagi ng tatlong leg para sa kampeonato sa nakalipas na taon, sa ika-23 puwesto sa tyempong 3:56:43 o halos limang minuto ang layo sa lider.

Taliwas naman ang kapalaran ni Reynante sa mga batang kasangga nang makaranas ng insidente kung saan nabagga niya ang photographer ng Ronda dahilan sa kanyang pagkasemplang at nagresulta nang sugat sa tuhod at siko.